The Yellow Flower

​A.N: Bago niyo basahin ito ay may kunting mensahe lang ako. This is a true story, may binago lang na pangalan. At kunting dinagdag o sabihing pinaghalo.
I dedicated this to my favorite teacher way back 2004. At sa mga batang katutubo na nakasama ko dati sa bundok. Hindi ko na babanggitin kung saan. Inspired lang akong gawin ito dahil hindi mawala sa isipan ko ang nangyari dati. Hanggang ngayon ay nasa alaala ko pa rin. ❤
© April 20, 2017 @x1xYvi

——————————————————
The Yellow Flowers
NATATAKOT siya ng makarinig ng isang boses ng lalaki galing sa tunnels. Marami pa ring armado ang nasa bayan ng Patag. Ang bayan nila kung tawagin. At malapit lang iyon sa sapa at bundok.
Malayo ang City sa mga kabahayan at ang sentro niyon ay tanging habal-habal lamang ang puwedeng sakyan para makatungo sa bundok o makatawid sa tubig na mabato.
Ang tulay na nagsisilbing daanan ay hindi matatawiran basta-basta. Hangga’t maaari ay tatawid ka. Nakakatakot din ang mga litratong nagkalat sa mga seminteryo. Lakas loob ang panglaban nila sa matagong lugar. Hindi nga lang din niya matatawid ang rumaragasang tubig lalo pang mabilis tumaas ang tubig ng Patag at madaming nalulunod.
She jumped and walked. Inisa-isa niya ang bawat hinay ng lakad kahit madilim ang tunnel. The man’s shadow and his voice was creepy. Ang katawan niya’y nanginginig dahil sa nakakatakot na boses. Nanlalambot at nanlalamig ang buong katawan niya sa nakikita. Hindi niya maitago ang kaba sa kanyang dibdib.
Nagtatago siya sa kadahilanang marami ng namatay sa engkuwentro ng mga sundalo at mga armadong nagtatago sa bundok. Musmos pa lamang siya noon ng huli niyang marinig ang ganoong uri ng putukan.
They screamed and run, hanggang sa dumating ang tulong. Pero sa kadahilanang marami pa ring hindi umaalis sa lugar nila at sa takot na makuha ng iba ang mga lupaing pinaghirapan ay hindi sila umaalis sa lugar na iyon. They fight for their land, hanggang sa mawalan ng hininga.
Ang parents niya ang isa sa mga nasaksihan niyang nawalan ng malay noon habang pinagtatanggol ang kanilang lupain. Ang ama niya’y minsan na ding nabihag ngunit pinakawalan din sa isang kondisyong kinakatakutan nila ngunit pumanaw din. Namulat siya sa mga katutubong kasama. Ito na din ang nagsisilbing pamilya niya sa nakalipas na taon.
Hindi na niya minsan nakita ang kababata niyang si Gaspar. Kinuha ito ng mga armado matapos ang gulong nangyari noon. They teach him how to used a gun, sa isang liblib na lugar ng Mindanao. Hindi na niya muling nakita ang kababata simula noon. Ni wala siyang makuhang balita dito. She remembered the day how Gaspar rescue her to the strangers. Ang mga natatagong mukha ng mga armado. Mabuti na lang at hindi siya ginalaw o pinaslang. But Gaspar left her, isang usapan ang narinig niya noon…
Ang lahat ng mga kabataang lalaki ay isasama nila. Kapalit ng buhay ng ilan. Gustuhin man niyang umayaw ay hindi niya magawa. Iniligtas siya ng kababata. Iniligtas siya ng lalaking matagal na niyang hindi nakikita.
Her childhood friend. Her first love.
Hanggang sa isang araw ay nabalitaan niyang may gusto na namang manloob sa naturang lugar nila. Hindi niya inaasahan iyon. Nasa kalagitnaan siya ng pagguguhit at pagtuturo sa mga kabataan ng marinig nila ang ingay ng mga baril.
Iilang butil na din ang kumawala sa kanyang noo. Iilang kaba na din ang naramdaman niya dahil sa takot. Sinigurado niyang iligtas ang mga bata bago siya tumakbo. Pero hindi niya akalain na may lalaking armado na namang nagpaiwan at ito siya’t tumatakbo sa gubat ng Patag. Takot na takot siya. Na akala niya ay tapos na ang lagim at bangungot na iyon sa kanila noon. Na tapos na ang sakit na naranasan niya noon dahil sa nangyari.
Hindi niya inaasahang mauulit na naman iyon. Hindi niya inaasahang mauulit ang takot sa dibdib niya.
Ilang dekada din niyang iniwasang maranasan iyon ulit ngunit nandito na naman at hindi pa rin pala natatapos ang gulo. Hanggang sa wala na siyang matakbuhan. Palapit lang ng palapit sa kanya ang lalaking tanging mga mata lang ang nakikita niya sa dilim ng tunnel.
Sigurado siyang wala na ang putukan pero ang lalaking ito ay nakasunod pa rin sa kanya. Sigurado siyang isusunod na siya sa mga magulang niya at mga kasama nilang pinatay dati.
Nahindik siya sa isiping iyon. Alam na alam niyang wala na siyang matatakbuhan. Pero isa siyang matapang na pintor at guro. Kahit ilang dekada pa niyang iguguhit ang sinapit nila ay hindi pa rin matatapos ang sakit sa nakaraan.
Isa sa mga itinuturo niya sa mga estudyante niya ang sinapit nila noon. Nakapagtapos siya ng arts. At isa din siyang matapat na guro. Hindi niya isusuko ang isinumpa sa mga taong napagdaanan na nila ng mga kababayan niya.
“God please help me. Anong kailangan ng estranghero na ito sa akin. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa akin na masama. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling may masamang mangyari sa aming bayan.” even her soft voice cracked, sa sobrang takot na nararamdaman.
Hanggang sa huminto ang lalaki. Panay pa rin ang usal niya ng dasal. Ni lingon ay hindi na niya magawa pa dito. Natatakot man siya ay pinatatag pa rin niya ang kalooban para sa mga kasama. Hindi niya kayang pakinggan ang bilis ng kaba sa dibdib niya. Dumadagundong iyon na tila gustuhin nang lumabas sa puso niya. Natatakot siya sa isiping iyon.
She slowly turned her head. Ang liwanag ng sapa sa labas ang nakita niya ngunit wala na ang lalaki. Nanghahapong napaupo siya sa may kunting tubig na tunnel. Hindi na niya pinansin ang paninikip ng puso at dumagdag pa ang itim na tunnel. Dahan-dahan siyang lumabas mula sa pagkakaupo at nang makalabas na ay ang sinag ng araw ang tumama sa kanyang mga mata.
She scanned the forests. Sanay siya sa gubat dahil doon siya kumukuha ng lakas para magpinta. Nilinga niya ang buong paligid ngunit walang bakas ng masamang tao siyang nakikita.
Nanalangin na sana ay ligtas ang mga pamilyang hindi nadadamay lalo pa ang mga estudyanteng napamahal na sa kanya. Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang daang tulay kung saan iyon ang ginagamit ng ilan niyang kabayan para makatawid. Nasanay na siya sa pamumuhay ng mga kasama. Kahit mahirap ay hindi pa rin siya sumusuko.
Hindi niya kayang isuko ang ano mang meron sila. Hindi naman din siya matakaw sa pera. Bagkus kahit mahirap sila ay may kakayahan pa rin silang mamuhay. Iyon nga lang, hindi tahimik na tulad ng pamumuhay ng ibang mayayamang tao sa lungsod.
Kinakabahan man ay sinubukan niyang labanan iyon lalo pang papatawid siya. Nararamdaman niya ang hagupit ng bumuhos na ulan ng nasa kalagitnaan na siya ng tulay. Alam niyang isang buhos ng ulan ay aapaw na naman ang baha. Inihanda niya ang sarili doon. Inihanda niyang tangayin siya ng tubig sapang rumaragasa. Alam niyang darating kaya binilisan niya ang paglalakad.
Natalisod siya. At ang paghinga niya’y lumalalim ng maramdaman ang tubig sa ilalim ng di-kahoy na tulay. Ang mga paa niya ay nadadama na ang baha hanggang sa pati ang katawan niya ay natangay na din. Buong lakas siyang nagpatangay sa agos ng baha. Buong buhay niya ay ilang ulit na din itong nangyayari sa kanya. Bumibigat ang hiningang pinakawalan niya ng masabit ang suot niyang puting t-shirt sa kahoy.
“Help!” she screamed. Alam niyang walang makakatulong sa kanya. Alam niyang walang ni isa ang makakarinig sa kanya. Natatakot siyang kumawala at pinilit niyang kapain ang malapit na ugat ng punong kumawala sa sapa.
Napunit ang damit niya ng makaakyat na siya. Iyon naman na nawalan siya ng lakas. Itinulak niya ang kahoy na nasakyan. Nanlalaki ang mga mata niya sa nakikitang lubog na sa baha ang tulay ng Patag.
“Bangon.” a creepy voice of a man filled her ears. And her heart pumped in fast.
Inubo niya ang kunting tubig na nainom saka tumayo kahit hindi niya pa rin kaya. Alam na niyang may nakasunod sa kanya kanina lang sa tunnel pero ito siya at hindi pa rin nadala. Maingat siyang bumangon at itinaas ang dalawang kamay patalikod.
Alam na niyang ano mang oras ay babarilin siya ng mga armadong hindi niya kilala. Alam din niyang hindi siya magkakamali sa isiping kikitilin ang buhay niya. Natatakot man siya sa sandaling iyon pero kailangan niyang lakasan ang loob.
“Shoot me if you want. Wala ka din namang makukuha sa akin. Simpleng tao lang akong nabubuhay dito—”
Isang mura ang pinakawalan ng estranghero sa kanya. Hindi niya akalain na lumakas pa lalo ang kabang nararamdaman. At alam niyang sa mga oras na iyon ay susunod na siya sa mga magulang.
“Malakas ang loob mo. Humarap ka at magsabi ng totoo—”
She cut the strangers off. “Sinabi ko na sayong wala kang makukuhang impormasyon sa akin. Kahit patayin mo pa ako ngayon. Inubos niyo na ang ilang lupain ng aking kababayan. Marami na din ang namatay ng dahil sa inyo. Marami na din ang nadamay na mga inosente. Bakit hindi na lang kayo sumuko sa batas?”
Napatili siya sa isang putok ng baril. Pinakiramdaman niya ang sarili kung siya ba iyon. Ngunit ni sakit sa katawan ay wala siyang maramdaman. Alam na niya ang ganoong uri ng tao. Sinusubukan ka hanggang sa umamin.
“Inosente kaming tahimik na naninirahan sa bundok na ito.” dagdag niya sa sinabi.
Itinulak siya ng lalaki sa puno. “Papatayin kita kung hindi mo sasabihin sa akin na may mga gobyerno kayong kasabwat at nagsusumbong kung saan ang campo namin—”
Pumiglas siya sa higpit ng lalaking humahawak sa kanyang dalawang balikat. “Sige, isunod mo na rin ako sa mga magulang ko. Tutal wala naman din akong silbi pa. At kahit patayin mo pa ako ngayon, wala ka pa ring makukuhang impormasyon—”
Idiniin siya nito sa punuan. Ang mga mata ng lalaki sa likod niya’y nagdidilim dulot ng inis sa babaeng wala din namang silbi. Isang mura ang kumawala sa bibig nito bago siya tuluyang iniwan.
“Sandali!” pigil niya sa kanang braso ng estranghero.
Napatingin siya doon at ang galit ay kanyang naramdaman na naman. Binawi niya ang kamay at mabilis na hakbang niyang nilisan ang lugar na iyon.
TUMIGIL na ang ulan ngunit nasa kagubatan pa rin si Sahara. Ang lalaking iyon na kanyang pinigilan ay bigla na lang din siyang iniwan. Hindi niya matukoy kung anong klaseng lalaking gagawa na manakot lang sa kanya para umamin. At dapat ba niyang ipagpasalamat na hindi siya binawian agad ng buhay? Dapat ba niyang ipag-alala at ipagbunyi iyon gayong alam din niyang hindi pa doon nagtatapos ang takot na nararamdaman niya, nilang lahat.
Bumuntong-hininga siya kapagkuwan ang sapa’y binalingan niya. Kinapa niya ang dibdib na kanina lang ay panay pa rin ang tibok niyon. Pero bigla na lang nawala. Marahil ay wala na ang mga armadong iyon. Sa loob-loob niya.
Gusto niyang tiyakin na tama nga siya. Na tama siya sa kanyang hula. Ayaw niyang matakot pero ramdam pa rin niya kahit wala na ang kaba sa dibdib. Mabilis ang hakbang na nilisan din niya ang gubat na iyon. Nanalangin siya na sana nga ay wala na ang mga armado sa kanilang lugar. Dahil alam niyang matatakot ang mga kasamahan niya. Na itinuring na niyang pamilya.
ISANG pulong ang nakita niyang pinagkakaguluhan ng mga nandoon. Ang yabag ng mga paa niya ang nagpahinto sa kanila. Bumaling naman din ang lahat sa kanya ng makita siya. Lukot ang mukha ng ilan at ang mukha ng iba ay nag-aalala ng lapitan siya.
“Sahara, buti dumating ka na. Ang sabi may armado daw na lumapit sayo at sa ibang kasamahan natin. Mabuti at nakapagtago kami.” ani Leiden na matandang kasamahan nila. Na isa ding retirong guro sa bayan nila.
“Nasa gubat nakita ako ng isa sa mga kasamahan nila. Nagtatanong ng mga impormasyon tungkol sa pakikipagsabwatan ng ilan nating kabayan sa gobyerno. Bakit kailangan pa nating gawin iyon? Hayaan niyo silang gawin kung ano ang tungkulan nila. Huwag niyong ilagay sa panganib ang buhay ninyo tulad ng nangyari sa pamilya ko at ng ilan.
Tulad ninyo ay may mga mararangal tayong ipinaglalaban sa bayan. Dito sa lugar natin pero bakit dinadaanan natin sa rahas? Hayaan niyo silang masupil ang gulo ng bansa. Ang mga tagong bundok na iyan kung diyan sila namumugad ay alam kong wala na sila ngayon at nagbago na naman ng direksyong kuta. Pasasaan kung hindi tayo mangingialam ay hindi na tayo babalikan ng mga iyan. Ayaw kong madamay tayo dito at gawing bitag para sumuko ang batas sa mga kamay nila. Sana po makatulong ang sinabi ko sa inyo. Isa akong guro na gusto ko lamang ng katahimikan sa lugar natin. Samot-sari na ang ulat na nagaganap at pag-nagkataon ay giyera na naman ang labas nito pagkatapos. Ayaw ko ng maulit ang dati. Hindi ko din kayang isuko ang lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang. Ang pinaglalaban ninyo ay pinaglalaban ko din.
Mabuti at hindi ako suwail para magsumbong pero hindi ibig sabihin n’on ay ligtas na ako. Kung sino man sa inyo ang gagawa pa ng hindi maganda at sino ang lalabag kung maaari ay huwag na ninyong idamay ang iba. Naaawa ako sa mga batang walang muwang na nadadamay.
Bagong henerasyon nga tayo ngayon ngunit kahit saan tingnan ay ganoon pa rin ang ating bansa. Hindi matatahimik ang lugar natin kung hindi din tayo tatahimik at huwag mangialam. Yaman din naman ng bansa ang pinaglalaban ng iba tulad natin. Pero alam natin kung ano ang tama at mali. Kaya hayaan niyo na silang maresolba ito.”
Walang imik ang mga taong nandoon habang nakikinig sa kanya. Dati-rati ang ama niya at ina ang laging nangunguna kapag may pulong na nagaganap lalo pang tungkol sa giyera. Kaibahan niya sa mga magulang ay ang tamang ipinaglalaban at hindi nangingialam. Ayaw niyang may madamay pa. Ayaw niyang may inosenteng bawian na naman ng buhay dahil sa isang salitang lumalabas sa bibig na kung maaaring alam mo ang nangyayari ay takpan mo na lamang ang iyong bibig.
Marami siyang natotonan lalo pang araw-araw naman ay iyon din ang itinuturo niya sa mga estudyante niya. Walang araw na hindi niya hinangad ang katahimikan sa Mindanao. Sa lugar na kinalakihan niya. Sa lugar kung saan hindi matigil-tigil ang gulo. Na kahit anong resolba ang gawin ng gobyerno at tulong sa mga inosente ay may nadadamay pa rin.
Araw-araw pipanalangin niyang wala ng madadamay sa gulo. Pero tila hindi naman din iyon ibinibigay. Alam niyang maraming dahilan pero hindi niya matukoy-tukoy.
Marahas ang buntong-hininga niya ng sumapit ang dilim at nang nasa bahay na siya’t nakauwi ay itinuon niya ang pansin sa pag-aaral. Kung ano na naman ang maaari niyang itulong sa mga mag-aaral niyang sinapit ang hindi magandang nangyari kani-kanina lang. At sigurado siyang marami na namang kabataan ang matatakot. Na sana hiling niyang hindi madamay ang pag-aaral nila.
Kalunos-lunos ang mga iniisip niya at alam niyang sobrang sakit isipin na hindi na makatarungan iyon. Ilang buhay na ang nawasak. Ilang buhay na ang nawalan ng pag-asa. Pighati at galit na namumuo. Pero siya kahit ramdam na niya iyon at dinanas noong musmos pa lamang siya. Itinatak niya sa isipan na hindi maganda ang pumatay ng kapwa kahit ano pa mang matinding rason iyon. Isa sa mga natotonan niyang matakot sa mga bagay na hindi tama at alam niyang mali tulad na lang ng ginawa ng ibang kabayaan niya.
Tinapos niya ang mga ginagawa at nanalangin muna bago tuluyang natulog. Nag-iisa lamang siya sa bahay niya. Ang bahay na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang noon. Malaki din ang naitulong ng pagtuturo niya para mabuhay siya at makapagsimula.
Ang pag-aani, pagtatanim ng mais at saging, copra, ipil-ipil at uling sa itaas ng bundok ay hindi niya iyon ikinakahiya. Hindi niya iyon ikinatatatakot sa kahit sino.
Alam niyang ano mang oras ay puwede siyang malagutan ng hininga pero matibay at malakas ang loob niyang gawin ang pagtatanim sa itaas ng bundok na alam din niyang may naninirahang mga armado.
Maaga siyang nagising kinabukasan, isang katok sa pintuan niya ang nagpagising sa kanya.
“Ma’am Sahara, gising na ho, ba kayo?” anang isang estudyante niyang si Lyn-Lyn. Kilala niya ang boses na iyon na agad naman siyang bumaba ng hagdan para makita ang estudyante niya.
She opened the door wide. Ang unang kislap na ngiti ang bumuhay sa kanyang pag-asa na hindi ito malungkot.
“Magandang araw, Lyn-Lyn. Papasok ka ba ngayon?”
Ngumingiting tumango ang batang babae sa kanya. “Opo Ma’am. Wala naman pong dahilan para hindi pumasok kahit na maraming hindi magandang nangyari kahapon. Salamat po sa inyo at sinigurado ninyong makakauwi kami ng maayos.”
Tumalungko siya’t pumantay sa bata. “Salamat naman kung ganoon.” ngiting balik niya dito. Kumislap ang mga mata niyang tinitigan ang mga bulaklak na dala nitong nasa kanang kamay. “Ano iyan ibibinta mo?” she asked and smiled.
Inilahad ng batang babae ang basket na may lamang puro dilaw na rosas na bulaklak. “Para po sa inyo, Ma’am. Bigay n’ong mamang pogi.”
Kumunot-noo siya kapagkuwan. Inilinga niya ang buong paligid. At ibinalik din ang tingin kay Lyn-Lyn. “Sino daw?” curiosity filled her heart and mind.
Umiling ang bata at nagkibit-balikat ito. “Wala pong pangalan na sinabi sa akin, Ma’am. Basta po mabait, matangkad at parang sandalo kung kumilos.”
Her heart beats fast. Buong buhay niya ay ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong kaba at kaakibat din niyon ang tindi ng kunti takot kung sino man ang nagbigay sa kanya ng mga bulaklak. Kinuha niya iyong basket sa kamay ni Lyn-Lyn.
“Salamat Lyn-Lyn. Sa susunod huwag ka ng lumapit sa hindi mo kilala, ah? Iyong turo ko sa inyo. Promise?” itinaas niya ang kanang kamay at ganoon din ang ginawa ng batang babae sa kanya.
“Promise po, Ma’am.”
Ngumiti siya. “Sige na at maligo ka na, kumain at mag-ayos. Huwag kalimutan ang magdasal, okay?”
Ngumingiting tumatango ang batang babae sa kanya. “Okay po, Teacher!”
Sinundan niya ang pagtakbo ng bata. Bumuntong-hininga siya at ang mga mata’y bumaba sa basket na hawak niya. It’s strange her. Kung sino ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak. At kung sino man iyon ay gusto niyang doblehin ang ingat na ginagawa sa sarili at baka sa susunod ay mapahamak lang siya.
– End –

Advertisements

Ang Lukaret kong Maid (x1xYvi) on Wattpad 

Prologue

Ako si Meccy isang dakilang pobre. Nasa akin na ata lahat ng kamalasan sa ibabaw ng mundo. Ang unfair ng buhay para sa akin. Apat kaming magka kapatid ako ang panganay. Si Donna, Sheila, at Cassie ang mga kapatid ko. Si mama at papa ay isang magsasaka lamang. Walang sapat na trabaho pero para sa akin at amin ay sapat na iyon lalo pang magka kasama kami. Twenty na ang edad ko pero hanggang ngayon ay nangangarap lang na makapag tapos ng koliheyo kahit hindi naman sapat ang kita ng mga magulang ko. Kaya hanggang high school lang ang naabot ko. Ganun naman talaga di ba? Mahirap lang naman ako kaya ito mangangarap nalang sa gising.

Lumuwas ako ng Manila para makapag sapalaran. Kinakailangan kong kumita ng pera para pang tustos sa pangangailangan lalo pa para makatulong sa mga kapatid ko kaya namasukan akong katulong dito sa Quezon. Subdivision ang bahay mabait ang amo kong babae at lalaki. Ang kaso iyong anak nila ang hindi okay para sa akin. Hindi naman sa sinasabi nilang nakukuryus sa isang bagay pero doon nadin yon. Ang landi lang kasi ng amo kong iyon. Hindi ko nga alam na nagdadala pala siya ng mga babae araw araw sa kwarto niya. Kaya araw araw din akong naglilinis sa loob ng kwarto niya tuwing wala siya. Nakakainis lang kasi ang gwapo niya pero Manyak naman! Hmmm!
Kaya gagawa ako ng mission:

  1. Pagsilbihan si sir.
  2. Ayusin araw araw ang mga gamit nito.
  3. Tiyaking walang sagabal tuwing nandiyan ang syota niya.
  4. Amoyin at labhan ang mga damit nito.
  5. Nakawan ng halik habang humihilik.
  6. Pag tiyagaan ang mood nito.
  7. Wag pansinin. At dapat maingat.
  8. Sundin ang mga utos nito.
  9. Siguruduhing maayos ang plano.
  10. Akin na iyon. 🙂


Siya si Raven Sy, matalino, mayabang at bastos. Nasa kanya ang mga katangiang hindi ko nakikita kay Prince charming. Dahil magkaiba silang dalawa. Paano ba ako nalagay sa sitwasyong to? Ipag patuloy mo ang pagbabasa neng ng malaman mo..


—–

Continue on Wattpad @x1xyvi thank you so much. :’)

Crush Overload (One Shot Story For Teens)

Dedicated to all my Fb FFriends, specially kay Mary Grace ‘Lurace’ Gamutin. Bebe ko😘

Thank you sa BFF. Nong nagwowork tayo hanggang ngayon.

Follow me on Wattpad: @x1xyvi
Title: Crush Overload
I’m Anna at kaka-14 ko lang nong isang araw. Ang papa ko ay isang retired army, si mama naman ay isang retired teacher.
Tubong ilocos kami. Nang nag retired ang papa at mama ko. Sa akin Napa baling iyong atensyon nila. Oo, kasi ako yung bunso. At ang tatlo kong mga kapatid ay may mga sarili ng mga asawa.
Third year high school ako ngayon at may crush sa isang kaklase ko. Si Timothy iyon. Transferee siya galing bulacan. Hindi siya mahirap pakisamahan kasi nga mabait ito.
I like him. Gwapo, simple, cool, at crush ng buong campus.
Naalala ko sakanya si Timmy. Ang Kababata kong matagal ko ng hindi nakikita. 5 years old ako ng kinuha siya ng mga totoong magulang nito sakanyang kinilalang ina na tiyahin niya pala.
Umiyak ako ng magkawalay kami. Pero bago siya tuluyang umalis may binigay siya sa akin itong kwentas na suot kong may nakaukit na pangalan niya.
Tumunog ang bell sa office ng magising ako. Nakatulog pala ako habang nag lelecture ang teacher namin sa filipino. At ang nakakainis pa nananaginip na naman ako!
“Tigas ng ulo mo besty!” Sabi ni Jane ang matalik kong kaibigan. Simula elementary.
“Nakakainis kasi. Ang haba ng ikinuwento ni ma’am!” Umirap ako at padabog na kinuha ang bag.
“Uy. Nadi ah! Ang ganda kaya nong story na kinukwento niya kanina. Sayang nga eh hindi mo narinig. paano? Eh, tulog ka ng tulog sa subject niya!”
Sabi nito at kinuha na din ang bag niya. Kanina pa tapos ang klase. Kaya ibig sabihin ay uwian na!
“Lika.. dating gawi?” Napatingin siya sa akin ng diritso. Kumislap ng Ilang sandali ang mata nito.
Adik!
“Cge ba!”
Pumunta kami sa likod ng school kung saan palaging naka tambay iyong crush kong si Timothy.
Nang nakarating kami sa likod ng school. Isang kumakanta ang narinig namin ni Jane.
Kinakanta niya ngayon ang isang bagong kanta. I think..one call away ang title nun!
Nagandahan ako sa boses niya. Mas lalo lang akong lumapit sa pader na pinagtataguan namin ng best friend ko. Buti nalang ay hindi niya kami nakikita dahil concentrate ito sa ginagawa niya. Suminghap ako ng lalong nilakasan niya iyong boses niya.
And when you’re weak I’ll be strong 

I’m gonna keep holding

On

Now don’t you worry,it won’t belong

Darling,and when you feel like hope is gone

Just run into my arms

Im only one Call away i’ll be there to save the day 

Superman got nothin on me

Im only one,im only one

Call away

Ill be there to save the day

Superman got nothin in me

Im only one call away

Im only one call away
Parang may kung anong paro-parong naglalaro sa tiyan ko. Paakyat iyon sa puso ko. Dinama ko ang bawat pagkanta niya at naki sabay nadin. Ngunit hindi iyon gaanong malakas.
Napahawak ako sa puso ko. Pumipintig ito kasabay ng bawat kanta niya.
“Besty!” Sigaw ng kaibigan ko sa akin. Halos pumutok yong tainga ko sa pag sigaw niya. Dumilat ako kasi nakapikit ako Kanina.
Nandun na eh!
“Ano ka ba! Bat ka sumisigaw? Mamaya marinig tayo ni crush!”
Sabi ko ng napagtantong tumaas din pala ang boses ko!
“Anong ginagawa niyo dito?”
Nagka tinginan kami at halos lumubog ako sa kahihiyang nararamdaman ngayon!
“A-eh..kasi..na padaan lang kami. Sige bye!” Kinuha ko ang kamay ni Jane at hinila para tumakbo.
Mabilis yung takbo namin. Nakita pa namin siyang humabol. May sinasabi siya ngunit hindi ko na narinig iyon kasi nga tumatakbo kami.
Hinihingal akong tumatakbo. Nakalabas na kami ng campus. Nilingon ko ang kaibigan kong hinihingal din sa pag takbo.
“Ang oa mo! Masyado ka namang halata!” Sermon niya sa akin.
“Eh. Kung paano gusto mo sagutin ko yung tanong niya Kanina? Ano yung gusto mong isagot ko don? Ah! Nakatunganga lang habang pinag mamasdan ka!”
With action ang pagkakasabi ko nun.

Umirap siya at unang naglakad. Abay! Mukhang galit?
Sinundan ko siya at naki sabay sa paglalakad.
“Kailan ka ba titigil sa pang iistalk sa Timothy na iyon besty?!”
Sermon niya ulit sa akin na binaliwala ko lang.
“Bilisan na nga lang natin iyong paglalakad! Baka hinahanap na tayo!”
Sabi ko.
“Buti alam mo yan!”
Tulad ng bilin sa akin ng mga magulang ko dapat ay nasa bahay na ako bago mag alas singko.
“Ma!pa! Nandito na po ako”
Sigaw ko bago kumatok. Ngunit walang sumagot.
Walang tao nasan kaya sila?
Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang likod ng bahay namin. Sinilip ko ang bintana.
Laking gulat ko ng makita si nica at brian na mukhang adik! naghahalikan sila sa likod ng bahay nito!
Halos wala na itong saplot sa katawan ng nadatnan sila ng nanay nica.
Pinagpapalo niya ito. Naagaw ng mga tao ang naging eksina sa likod bahay nila. Malaking eskandalo ang nangyari ngayon!
Nakita kong imbes na pumasok si mama at papa na may dalang suot ng pagkain ay dumiretso doon!
“Abay Nelya bakit naman ganyan si nica? Kabatang babae eh mapusok.”
Sabi nong matandang babae na kapit bahay din namin.
“Ano ba naman iyan.”
Sabi naman nong babaeng kasing edad lang ni ate daisy.
Hindi na nakisali si mama at papa. Tumingin lang sila doon at umalis din. Umalis ako sa bintana at tumakbo sa itaas para pumasok sa kwarto ko.
Mahirap ng madatnan nila ako dahil sermon na naman ang matanggap ko kay mama kapag nagkataon!
Mahinang katok ang narinig ko sa kwarto ko.
“Anna nandiyan ka na ba? Buksan mo ito.” Boses ni mama iyon. Agad ko itong binuksan.
“Opo ma.” Sagot ko.
“Anong oras ka umuwe?”
Si papa ang nagtanong.
“Kanina lang po.”
Nagmano ako sakanila.
“Buti kong ganoon. Mag aral ka lang jan. Kumain ka noong dinala naming meryenda. Galing kami sa birthday ni Johnny iyong anak ni letty”
Ani mama.
Kilala ko si Johnny iyong crush ni Jane. Na ubod ng suplado!
Tumango ako at kumuha nong dala ni mama at papa.
“Okay po ma.”
“Lalabas lang ako sandali at kukunin ang mga sinampay.”
Pumasok ako sa kwarto ko. Bumaba naman sila ng sala ni papa.
Agad kong kinuha ang cellphone ko. Oo, strick sila pero hindi ganoon ka sobrang strick tulad nalang nang ibang magulang na mahigpit sa mga anak.
Hinahap ko ang cellphone na nasa bag ko lang nakalagay.
Nag browse ako sa Facebook.
Dating gawi. Simula nang makilala ko si Timothy Velez. Palagi nalang akong babad sa internet. Palagi iyon tuwing umuuwe ako galing school.
Imbes na mag aral ay uunahin ko muna ang pag cecellphone. Hindi ko nga alam eh. Basta na addict nalang ako simula ng 

makilala ko siya.
He’s a type of a man..na hindi ko iyon basta bastang isnabin manlang. Na cucurious ako sa pagiging cold niya nitong mga nakaraang araw. Hindi na ito namamansin. At palagi nalang siyang umiiwas tuwing may lumalapit sakanya. Hindi ko alam kum bakit pati sa akin ay malamig siya.
Walang oras na hindi ko alam ang bawat status nito sa Facebook, Hindi ko siya ni add dahil ayaw ko. Gumamit ako ng ibang account sa pang iistalk sakanya.
Iba na kasi iyong FB ngayon malalaman muna kung sino ang mang iistalk sayo. Syempre WAIS ako ayaw kung magpahuli.
Pero nahuli din Kanina..
Paano ba naman kasi?

Nabasa ko iyong status niyang pupuntang likod ng school. Syempre ako naman ay na curious kaya pumunta parin ako.
Yun nga lang dahil sa kaibigan ko ay nahuli ako!
Nang maka login ako ay diritso ako sa timeline niya. Nakita ko doon ang dalawang update status na bago niyang pinost. Yung isa ay picture niya na bagong upload.
Iyon yung kanina. Marahil ay bago siya kumanta ay nagawa niya munang kumuha ng littrato. May naka hashtag pa talaga sa taas ng picture na.. #OneCallAway
Yun yung kinanta niya kanina. Yup! Sobrang ganda talaga ng boses niya at lalo akong nagkakagusto sakanya.
Yung tipong bawat bigkas ng mga lettrang kinakanta niya ay mahuhulog ako lalo. Gusto kong tumili lalo na nakikita ko kum paano niya din dinama iyong pagkanta. Pakiramdam ko ay ako iyong kinakantahan niya o hinaharana.
Napadako yung tingin ko sa screen ng cellphone ko. Nakatulala na naman ako sa kisame ng bahay namin habang yakap ang cellphone ko! Iba talaga ang nagagawa niya sa akin.
Binasa ko iyong isang status. Kumunot ang noo ko doon sa nabasa. “Worst day”
Bumangon ako at napaupo ng maayos sa higaan ko. Bakit kaya?
Sinubukan kong mag scroll sa wall niya pero last week pa iyong mga post. At tungkol iyon sa mga nagpopost sa wall niya. Na hindi niya manlang pinapansin.
Gusto ko siyang e minsahe pero nahihiya ako. Baka mag tanong lang siya sa akin kung sino ako. 
Kinabukasan maaga akong gumising. Maaga akong pumapasok dahil iyon nadin ang gusto ni mama.
Nasa kabilang kalye lang ang bahay nila Jane. Tulad ng dati ay sabay kami.
May bumusinang sasakyan sa likod namin habang naglalakad kami. Hindi pa gaanong mainit. Kaya ayos lang na lakarin ang pupuntang school. Kasi malapit lang ito. 10 minutes siguro bago makarating.
“Betsy! Si Timothy!”
Siniko ako ni Jane. Lumingon ako sa humintong sasakyan sa gilid namin. Sakay nito si Timothy doon sa loob. Pumula ang pisnge ko ng makita siya lalo na iyong dimple niyang lalong nakaka attract.
“Sakay na kayo baka ma late pa”
Sabi niya. Himala iyon at pinansin niya na kami.
“O..sige ba!” Sabi ng kaibigan ko. Ayaw ko sana at tatangihan na siya ng hinila ako no Jane sa sasakyan nito. Binuksan ito ng driver ni Timothy nasa likuran kami ngayon. Samantalang siya ay nasa front sit.
“Ang gara naman nitong sasakyan mo!” Lumingon si Timothy sa reaksyon ng Kaibigan ko sa sasakyan nito.
“Hindi sa akin ito. Kay papa” sagot niya at siyaka bumaling sa akin ang mapanuri nitong mga mata.
“Talaga? Ibig sabihin mayaman kayo?” Tanong ng kaibigan ko.
“Ah..sila lang” Kumunot ang noo ko don. Bakit kaya iyon ang nasabi niya? May pagdaramdam ba siya sa mga magulang nito kaya ganoon siya?
“Uy.” Siko ni Jane sa akin. “Gwapo niya talaga. Lalo na nasa harap mo na siya ngayon besty! Ang swerte mo talaga!” Bulong nito at humagikhik na parang kinikiti.
“Tumigil ka nga jan! Baka marinig ka.” Saway ko.
“Dito na tayo” sabi nong driver niya.
Bumaba siya agad at ganun din kami ni Jane.
“Salamat” sabi ko sakanya. Tumango lang siya at unang naglakad. Sumunod kami ni Jane sakanya habang pumapasok sa loob ng classroom.
“Hi timon.” Bati nong isang kaklase naming si Diane. Maganda ito at chinita.
“Hi” bati ni Timothy ng maka upo na siya. Ganun din kami.
Pumasok si sir mahusay sa loob ng room dala dala na naman nito ang math na libro niya. Nagsimula na ang lecture niya. At nag concentrate kami doon. Lalo pa ay mag bibigay siya ng quiz pagkatapos.
Natapos ang klase na stress ang nakuha ko. Oo, ganun ang nangyari kasi walang pumasok sa ulo ko sa buong klase ni sir mahusay. Kaya ang labas zero ako sa quiz. Nakakahiya iyon at nakaka disappoint.
Iisa lang naman kasi ang naiintindihan at pumapasok sa ulo ko iyong mukha lang niya. Bawat galaw niya. Bawat ngiti niya. At boses niyang lalong nakaka in love.
I miss Timmy kung nandito lang siya marahil ay siya na itong crush ko at hindi ko mapapansin si Timothy Velez.
Syempre kahit bata kami noon ay nakaramdam na ako ng pag hanga sakanya. Ngunit iyon nga at nagkataong kinuha siya ng mga totoo niyang mga magulang.
Kamusta na kaya siya ngayon?
“Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Ang haba ng daanan e. Dito kapa dumaan!”
Luminga ako sa paligid. Nasa gitna na pala ako ng mga nag sosoccer sa field ng school. Umalis ako kasi baka matamaan lang ako ng bola!
“Nakatulala ka na naman”
Sabi nong boses na nasa likod ko. Si Timothy. Lalo siyang gumagwapo sa paningin ko..
Ramdam kung nag rambol na naman ang mga paro paro sa loob ng tiyan ko. Kinakausap niya ako!
“Ikaw lang ata mag isa?”
Tanong niya.
“W-wala yung kaibigan ko nasa office may kinuha lang” Sabi kong utal.
Umiwas ako ng tingin sakanya ng ngumiti siya. Parang may kung anong kiliti akong naramdaman doon.
Saktong may dumaan na ice cream sa gilid namin. Tinawag niya ito.
“Dalawa po iyong pinipig”
Inabot niya sa akin ang isa. Kinuha ko iyon. Mahilig din pala siya sa ice cream? Paborito ko ito.
“Thank you”
“Gusto mo bang maglakad lakad? Habang hinihintay ang kaibigan mo?” Tama ba ang dinig ko? Ngumiti siya at ganun din ako. Lalo lang akong kinikiliti sa pinapakita niya.
Tumango ako at naki sabay narin sakanya ng magsimula itong mag lakad.
“Sorry nga pala” nabigla ako dun.
“B-bakit naman?”
“Sa pagiging cold ko” sabi nito. Na hindi ko maintindihan.
“Ah. Yun ba? Naku eh wala iyon!” Sabi ko at nag iwas ng tingin sakanya.
“Nagkaroon ka na ba ng kababata noon?”
Tanong niya sa akin. Lalong Kumunot ang noo ko sakanya. Why his open this kind of topic? May naging kababata nadin ba siya dati? Tulad ko?
Nakatingin ako ngayon sakanya. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan ng matagal. Dumapo ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Lalong uminit ang pisnge ko dun.
“M-meron dati.. Pero matagal na iyon eh” sabi ko.
“Hindi mo ba siya namimis?”
“Mis din naman”
Nagka tinginan kaming dalawa. Bakit kaya niya ito natatanong sa akin ngayon?
Malungkot ang nga mata niyang naka tingin ng deritso sa akin.
“Huhupa din yan” sabi nito ng di ko na maintindihan. Lalong kumunot ang noo ko sa kanya. Kaya hindi ko napigilang hindi magtanong.
“A-anong ibig mong sabihin?”
“Nevermind” sabi nito.
“Uy nandiyan lang pala kayo!” Napalingon Kami sa nag salita.
Its Jane.
Gusto ko pa sana siyang makausap sa maraming bagay ngunit dumating iyong kaibigan ko kaya natigil kami sa pag uusap. Marami akong hindi naintindihan sakanya kanina.
Ni hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Nakikita ko sakanya si Charlie Puth iyong kumanta ng One call away.
Talagang na cucurious parin ako sa mga sinabi niya kanina.
O, baka nag ooverthingking lang ako?
Sabado ngayon kaya walang pasok. Nasa kusina kaming kumakain nila mama, papa at mga kapatid ko. Oo, nandito sila kasama iyong mga asawa at mga anak nila.
Tuwing Saturday at Sunday sila pumupunta dito. Ang saya nga eh! Kasi may makukulitan ako dito ng dalawang araw.
“Naalala mo ba si Timmy? Iyong Kababata mo?”
Si ate daisy iyon habang sinusubuan si baby ayah.
“Opo naman ate” sabi ko habang sinusubo iyong pretong manok na niluto ni kuya fin.
“Nakauwe na iyon dito di ba? Last month pa” ani ate nob at tumingin sa akin. Nagulat ako dun. Wala manlang akong balita!
Tumikhim si papa ng kina tahimik namin. Kilala ko si papa ayaw niyangay nag sa salita habang kumakain.
Nang matapos ako ay tinulungan ko si ate nob na maglinis ng hapag, at maghugas ng pinggan.
Nasa taas si mama at papa marahil ay nag papahinga ito. Ang kuya kong si fin at ate daisy ay nasa labas kasama ang mga asawa at anak nito. Marahil ay nag papahangin.
“Umuwe talaga siya pero hindi nag iisa. May kasama iyon eh. Yung mga totoo niyang mga magulang”
Ani ate nob. “Binatang binata na nga eh!” Halakhak nito.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi dahil ayaw kong marinig si Timmy na umuwe. Mabuti nga iyon at naalala pa niya iyong kinilala niyang nanay na tita niya pala.
Pag kakaalam ko may sakit iyon. Naririnig ko din kasi sa mga tao dito sa lugar namin.
“Ate mabuti iyon ng makita niya yong tita niyang nagpa laki sakanya nun.”
Sabi ko ng matapos ng magligpit.
Humikab ako at mukhang inaantok na naman. Paano ba naman babad ako kagabi sa internet!
“Bakit ayaw muna ba siyang makita din?” Lalong Kumunot ang noo ko kay ate nob. May mga pinaparating yung bawat sinasabi niya.
“Gusto din naman. Pero siyaka nalang..baka kasi.. Nag bago na iyon..at hindi na ako maalala.”
Tumango siya at nakuha ang ibig kong sabihin.
Pumasok ako sa kwarto at nag kulong buong hapon. Syempre babad na naman sa internet.
Nag open ako ng main account ko sa Facebook. Ginamit ko iyon. Kasi ilang araw na ding hindi nabubuksan.
Tulad ng dati puno yung notif. Flood dito, Flood doon. Close friend diyan, Group chat dito.
May dalawang mensahi akong nakita sa inbox. Galing kay Jane ang isa at Timothy Velez ang isa.
Tama ba ang nakikita ko? Timothy Velez? Ni click ko iyong naka kulay blue na pangalan at binasa.
“kamusta?”
5 minutes ko iyon binabasa ng pabalik balik. Hindi ako maka paniwala.
“Okay lang. Ikaw” reply ko.
Hindi pa man naka isang minuto eh nag reply na ito agad.
“San ka ngayon?” Tanong niya.
“Sa bahay ikaw?
Sasagutin ko na sana ng na lowbat bigla ang cellphone ko! Hindi ko alam kong nasend ba iyon o, hindi. Ang malas naman. Bakit kaya niya naitanong Kung saan ako ngayon?
Nakaka curious lalo.
Sunday ngayon at nasa park kami ni Jane. Malapit lang ito sa school. Mga 4th year student lang ang natatanaw naming nasa field at nag sosoccer.
Nakakabagot sa bahay. Buti nalang at pinayagan ako ng magulang ko. Kasama ko naman si Jane.
“Online ka Kahapon pero di ka manlang nag reply?”
Ani Jane habang kinakagat yung isaw na binili namin.
“Bigla na lowbat eh. Kaya hindi nakapag reply!” Sabi ko at uminom nong juice na binili namin.
“Tsss.” Yun lang ang sabi nito at umirap.
“Hi!” Bati sa amin ni Timothy. Laglag panga akong nakatitig sakanya. Pakiramdam ko nag slow motion ang bawat galaw niya.
Biglang may pumitik sa harap ko.
“Uy besty! Tinatanong ka ni timon!” Saway ng kaibigan ko.
Nakakahiya naman at hindi ko iyon napansin!
“A-ano yun?”  sabi ko.
“Pwede ka ba daw niyang maka usap?” Ani jane at siya ang sumagot sa tanong ko.
“H-huh? Okay..where?” Tanong ko pabalik.
Nagmumkha akong timang dito kahit na kaharap ko si Timothy ay kay Jane ako bumaling. Napa face palm siya ng wala sa oras!
Pumikit ako at hinarap si Timothy.
“W-where?”
“Come..” Sabi niya. Naglakad siya at agad akong tumayo sa inupuan naming bench. Sumunod ako sakanya.
“Ang bagal mo parin lumakad”
Napahinto ako doon.
“A-anong sabi mo?”
Ngunit ngumiti lang ito. At kinuha iyong bisiklitang marahil ay sakanya.
“Dito ka” Turo niya sa unahan ng bike nito. Nagulat ako doon at nagtataka.
“Bakit ko naman gagawin yan?” Diritso kong sabi. Imbes na sagutin ako ay hinila niya ako palapit sakanya. Kunti nalang at hihimatayin ako sa kilig dito!
Kinagat ko ang ibabang labi ko. I’m nervous. Tulad ng sabi niya ay nakasakay ako doon sa harap ng bike.
Pinaandar niya iyon. Napakapit ako sa hawakan ng bisiklita kung saan yung kamay niya.
Naramdaman ko na naman iyong tibok ng puso kong sobrang bilis na ngayon. Halos matunaw ako sa pagkakaupo ko. Ramdam ko ang init galing sa likod ko. Kakaiba iyong pakiramdam. Yong tipong ayaw ko ng bumitaw. Gusto ko ay ganito nalang.
Sapat na sa akin iyong napansin din niya ako sa kabila ng pagka crush ko sakanya. Naniniwala ako sa fairytale. Pero hindi ako prinsesa.. Alam ko din walang happy ending ang storya ng ibang tao.
Naguguilty din ako sa pag iistalk ko sakanya. Kung aamin ba ako eh. Hindi niya ako iiwasan?
Magiging ganito pa ba kami ka close kung aamin akong may gusto ako sakanya?
I’m a 14 years old pero alam ko naman iyong limitasyon pagdating sa pag ibig. Hindi dahil nagka boyfriend na ako. Kundi iyon ang pangaral sa akin ng mga magulang ko.
“May naalala ka ba tulad nito?” 
Simula niya.
Tumango ako. “Hmm. Oo”
“S-sino?” Tanong niya ulit.
“Si Timmy…iyong Kababata ko”
Sagot ko may halong emosyon iyon.
Dati ginagawa din namin ito ni Timmy.
Dito mismo sa park na ito. Ang pumuntang field at kumain ng ice cream.
Napahawak ako sa kwentas na huli niyang binigay sa akin bago siya umalis.
“You..miss him?” Bumuntong siya ramdam ko yun.
I don’t know…pero pakiramdam ko ay nahihirapan siya.
“Saan ba tayo pupunta?”
Tanong kong lalong nagpapahirap. Luminga ako sa paligid ngayon ko lang napagtanto na nasa subdivision na pala kami.
Bumaba ako ng bike ng huminto siya sa harap ng malaking gate na pula. Ito ang bahay nila Timmy!
Nang bumaling ako ay Kumunot ang noo ko sakanya.
“Anong ginagawa natin dito?”
Pero hindi niya parin ako sinasagot. Naiinis at Naiiyak na ako sa pinapakita niya sa akin ngayon.
Talagang hindi ko siya maiintindihan.
Hinila niya ulit ang kamay ko papasok sa kanilang bahay.
Kinakabahan ngunit alam ko wala sa itsura niyang gumawa ng mali.
Nang makapasok kami may sumalubong sa aming matandang babae. Mukhang nasa 40’s na ito. Mukhang mommy niya ito. Kasi magkamukha sila.
“Siya na ba yan?” Kumunot lalo ang noo ko dahil hindi ko na talaga maintindihan.
“Yes. Mom”
Tumango siya. 
Ngumiti naman iyong tinawag niyang  mom.
“May ipapakita ako sayo…”
Sa pagkakataon ngayon ay binitawan ko ang kamay niyang kanina na palang naka hawak sa akin.
Nagulat siya sa ginawa ko.
“Bakit mo ito ginagawa”
Nasa garden kami mg bahay nila Timmy. Mas lalong gumanda ito kaysa dati. Ito ang isa sa mga paborito kong puntahan lalo na kapag pumupunta ako dito kasama si mama.
May kinuha siya sa bulsa ng maong nito. Isang kwentas ito at katulad ng sa akin ay may nakaukit na pangalan nito. Nakaukit doon ang pangalan kong “Anna”
“Kambal ako ni Timmy” nabasag ang boses nito.
Kinabahan ako lalo sa sinabi niya kasabay doon ang pagka gulat.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“2 years ago ng naaksidente ang sinasakyan niyang buss pa puntang school. Isa siya sa nadamay..” Bumuntong hininga siya at siyaka nagpatuloy. 
“Nandoon ako nong nangyari iyon…Muntikan din akong madamay ng tumagilid ang buss at bumangga sa isang truck..”
Umiiyak na siya ngayon. Ganun din ako. Tinakpan ko ang bibig ko ng walang tumakas na hikbi doon.
“1 year ago ng umuwe kami para bisitahin ang puntod niya dito sa ilocos..nakita kita sa isang litrato na nasa kwarto niya..Hinahap kita sa social media..”
Napatingin ako sakanya ng diritso sa mata. “W-why?” Umiiyak parin ako.
“Gusto kong isuli ito..alam mo ba na palagi kanyang kinukwento sa akin? Siguro nagtataka ka ngayon sa pagiging open ko…pero ito lang kasi iyong paraan..may mga bagay na hindi niya nasabe sayo noon..sorry at nawalan kayo ng komunikasyon..”
Aniya habang pinipigilang hindi maiyak. “..alam mo bang may sinabi siya sa akin noon? Gusto ka raw niya..”
Mas lalo akong umiyak doon. Halos hindi na ako makahinga kaya kinuhanan niya ako ng tubig sa katulong nila.
“..gusto ko rin..siya pero maliit pa kami nun..ni hindi ko na din bibigyan ng mga kahulugan iyon..ng umalis sila ng totoo niyang magulang..hindi na ako nagtanong kung babalik pa siya..i-itong kwentas lang ang binigay niya sa akin..”
Sabi ko sa napapaos na boses.. umiiyak parin ako ngayon.
Nakita kung lumabas iyong mommy niya.
“Alam mo bang..sa aksiditeng i-iyon…” Mukhang nahihirapan siya..humugot siya ng hininga bago nagsalita.
“..nadamay ang daddy nila..”
Nagulat ako doon at nakita ko ang paglandas ng mga luha sa mata niya.
“Nang..umuwe kami para sa death year nila..nakita namin ito sa kwarto niya.” 
Isang box iyong binigay sa akin na lalong nagpaluha sa akin ng buksan ko ito. Mga pictures namin ang nakalagay doon. At isang sulat..
Binasa ko iyon.
“Hi anna..bukas na iyong alis ko natatakot akong may masabi ako sayo na hindi mo magustuhan. Mag 6 years old ako next month.. Sayang at hindi kita maimbitahan kasi nasa malayo na ako. Hindi muna ako makikita..Pero balang araw kung sakaling mag tagpo ang landas natin ay wag kang iiwas ah? Hintayin mo parin ako..may ibibigay ako sayo bukas..sana ingatan mo iyon ganun din ako..alam mo bang may gusto ako sayo..pero hindi pwede kasi bata pa tayo ngayon.. Pero babalik ako pangako yan..”
Tunupi ko ulit iyon dahan dahan habang umiiyak. Mas lalo lang akong nalungkot. Lumapit yung mommy ni Timothy at may sinabi.
“Walang oras na hindi ka niya bukang bibig..lalo na noong nag aagaw buhay siya..”
Sumulyap ako sakanya. Namumula ang mata nito sa kakaiyak. Nilingon ko din si Timothy. Nakapikit ang mga nito.
“..hinanap ka namin. At thank god hindi ka umalis dito dahil kung hindi ay mahihirapan si Timothy sa paghahanap. Napag pasyahan kong dito siya e enroll sa pasukan. Masyado akong nalulungkot tuwing naaalala ko ang mag ama ko sa america..”
Tumango ako dahil naiintindihan ko siya.
“..thank you kasi kahit malayo kayo ng kapatid ko ay napapa ngiti mo siya sa huling buhay niya..”
Sabi nito.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang namumuo na namang luha.
“G-gusto ko pong makita ang puntod ni Timmy..” sabi ko ng iangat ko ang tingin ko sa mommy niya.
“Samahan mo siya ihjo..”
Lumingon kami sa nagsalita. Ang tita niyang nagpalaki sakanya ang nag sabi nun. Ngumiti ako sakanya kahit na nahihirapan. Nakita ko ang pamumula din ng mata niya galing siguro sa kakaiyak. Marahil ay narinig kami.

Pagkatapos ng mga nalaman ko tungkol kay Timmy ay napag pasyahan ko ng umuwe. Pinahatid nila ako sa driver nila. Sakay kami ni Jane doon dahil sinabihan kong daanan iyong kaibigan ko na nasa park pa.

Bumuntong hininga ako habang inaayos ang sarili sa pagliligpit ng gamit. Nakauwe nadin ang mga kapatid ko. 9 pm na ngayon at dilat na dilat parin ang mga mata ko.

Hindi ako makatulog bukas na bukas  pagkatapos ng klase sa hapon ay dadalawin namin ang puntod ni Timmy. Isang oras ang byahe.
Nakwento ko na ang tungkol dito sa mga magulang ko at kapatid. Pumayag sila sa akin. Naiintindihan nila ako. Kasama ko naman iyong kapatid ni Timmy.

Napalunok ako sa isiping magka sama kaming pupunta doon. Malaki parin ang gusto ko kay Timothy. Pero Hindi niya alam iyon. I kept it. Hanggang sa maglaho iyon ng tuluyan at makalimot. Iyon ang gusto ko. Maybe infatuation lang ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nag tataksil ako kay Timmy.

I miss him..

Kung sana ay nandito siya…
Kung sana ay hindi siya kinuha ng maaga…
Kung sana ay sabay parin kaming lumalaki hanggang ngayon…

Kung sana ay hindi nalang siya sumama…

Pero malabong mangyari iyon..
Pumikit ako ng mariin habang inaalala ang mga napag samahan namin dati noong bata pa…
“Ang daya mo talaga!” Galit na utas ko sakanya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Nasa isang park kami ngayon. At nag aasaran dahil sa pagkatalo niya.
“Hindi kaya! Ikaw itong nandaya kanina! Para maturuan kita sa pag bibisiklita!”
Ang tinutukoy ko ay iyong ladder and snake na nilalaro namin. Mahilig kami sa ganun. Kaya madalas ay nananalo siya. Kaya ng matalo siya ito ang naging condition ko ang turuan akong mag bike.
Sumimangot ako sakanya.
“..hindi nga pwede! Angkas kana lang. Mamaya pagalitan pa ako ng mama mo.” sabi niya at agad akong pinaangkas doon sa likod niya.
“..sige na nga lang! Basta doon tayo sa may field!” Sabi ko ng di siya tinitingnan. Naiinis na kasi ako.
Pinaandar niya iyong bike at saka kumapit ako sa likod niya. Tumungo kaming field. Wala masyadong tao dahil bakasyon ngayon.

“One day..mas lalo mo lang itong mamimis..” nagulat ako doon.
“Bakit aalis ka ba?” tanong ko habang hinihigpitan ang kapit sa balikat niya.

“Hindi..bakit ko naman iyon gagawin?” tanong ang naging sagot niya.

Luminga ako sa paligid nasa may field nakami na may nagtitinda.

“Pabili pong ice cream kahit ano pong flavor..” sabi niya sa mamang nangtitinda doon. Umalis ako sa  pagkakaangkas ng tumigil ang bike. Binigay niya sa akin ang isa..at sumulyap siya sa akin ng may halong emosyon ang mga mata.
Ngunit walang salita akong narinig kahit na ganoon ang naging eksina sa pagitan namin.

Kinabukasan nagising ako ng maaga. Natapos ang klase. Ganun parin ang naging takbo ng unang araw ng lunes.

Natapos ang klase sa hapon ng mag paalam ako kay Jane na hindi ako sasabay sa pag uwe dahil may pupuntahan pa ako.

Naintindihan niya iyon at tumango.
“Okay Ingat ka.” sabi nito at agad na umangkas sa motor ng kuya niyang sumundo sakanya.

May tumikhim sa likod ko. Its Timothy Velez. Ang kapatid ni Timmy.
Ngayon ang punta namin ng puntod. Buti at alas tres pa at maagang natapos ang klase dahil absent ang teacher namin sa Filipino.

Pinagbuksan kami ng sasakyan ng driver niya. Sumakay Kami doon.
Naging awkward ang katahimikan sa pagitan namin habang binabagtas ang kahabaan ng byahe. Isang oras lang ito. Pero pakiramdam ko ay malayo ito masyado.

Pakiramdam ko habang tumatagal ay na nonoot na iyong sakit sa dibdib ko. Hindi pa man kami nakakarating ay napuno na ng emosyon ang mga iniisip ko.

Yung tipong gusto ng tumakas ng hikbi ko doon.
Ngunit pinipigilan ko. Marahil ay nahahalata niya iyon kaya binigyan niya ako ng panyo.
“Nandito na tayo..” sabi niya at agad na binuksan iyong pinto ng sasakyan nila.

Bumuntong hininga ako at sumunod na lumabas.

Lumapit kami kung saan may dalawang puntod doon na magkatabi. Sa dady niya at kay Timmy. Binasa ko ang pangalan nila. Magkapareha ng pangalan si Timothy sa daddy nito. Timothy Quezon Velez Jr. , Samantalang si Timmy ay. Timmy Mikkel N. Velez.

Naramdaman kong lumapit si Timothy sa akin. Binulsa niya ang kamay niya bago nag salita.

“Hi pa..hi Timmy” bati niya dito habang nakatingin sa lapida.

“1 year and 5 months..since kinuha kayo..” bumuntong hininga siya dahil nakikita kong nahihirapan siya.

“..tinupad ko yung promise ko sayo bro..nandito na siya ngayon..”
Tumingin siya sa akin at pinipilit na ngumiti. Nakita kong pumula ang mata nito.

“Hi Timmy.. Hi Tito..” sabi ko kahit na hindi ko nakikilala ang daddy nila.
Hindi na ako nagtanong tungkol sa buhay nila. I don’t have a permission to ask. Sa magulang ko lang narinig ang tungkol doon habang lumalaki ako.

“Kumusta ka na? Ang tagal ng panahon..alam mo ba palagi akong nasa top kahit na tinutulugan ko iyong teacher namin minsan. Kung nandito kalang sana ay pagagalitan mo ako..sayang nga at wala ka…” Nahihirapan ako sa mga sinasabi ko ngunit pinag patuloy ko parin.

“..suot ko parin yung kwentas na binigay mo..ito oh..” Sabay pakita ko nun kahit alam ko hindi siya sasagot sa mga sinasabi ko..nagpatuloy parin ako.
“Di ba sabi mo? Hintayin kita. Bakit ikaw Hindi mo ako hinintay? Palagi ka na lang nandadaya eh!..”
Umiiyak na ako ngayon. Nalulungkot ako sa mga nangyayari. Hindi ko halos maisip na may ganito. Na hahantong ito sa ganito..

“Ni hindi kaman lang nagparamdam sa akin noon ng umalis ka..nang lumalaki kana..ang Daya daya mo parin talaga hanggang ngayon..”
Humagulhol ako lalo.
“I miss you..Timmy..” Nilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. Its hurt. At hindi ko na makontrol yung emosyon ko ngayon.
Hindi ko na iniisip na may kasama pala ako ngayon. Na nandito ang kapatid niya. Nakaramdam din ako ng hiya ngunit hiyaan ko nalang tumulo pa iyon kaysa mahirapan ako lalo kapag pinipigilan ko.

“..mag hihilom din ang lahat. Marahil ay may dahilan kung bakit kinuha siya ng mas maaga hindi natin maiiwasan iyon..pero Kailangang tanggapin. Nong pinag hiwalay kami dahil walang anak si tita ay nag pasya ang mga magulang ko na si tita ang mag palaki sakanya. Nasa america ako at siya naman ay dito..6 years old ako ng malaman kong may kakambal pala ako. And I was surprise. Nong una hindi ko pa tanggap iyon..pero naiintindihan ko ng ipaliwanag sa akin nila mommy at daddy sa akin iyon..habang lumalaki ako..”
Ibig sabihin ay matagal niyang hindi matanggap na may kakambal nga siya? Hindi ako nakaramdam ng inis doon. Dahil naiintindihan ko siya.

“Palagi ka niyang kinukwento sa amin. Na ikaw lang ang matalik niyang kaibigan.. Gusto niyang umuwe noon..kaso hindi siya pinayagan ni daddy..13 siya ng naisipang sabihin iyon..alam mo ba..” 
Bumaling siya sa akin ng Ilang sandali at binalik sa din sa lapita ang mga mata nito.
“..nagseselos ako sakanya?” Nabigla ako doon. Ngunit hindi ako kumibo.
“Kasi nasa kanya yung atensyon na dapat ay sa akin lang..so selfish..” Umiling siya at bumuntong hininga.
“..na habang tumatagal ay napapa lapit ako sa taong gusto niya?..”
Nagulat ako at tumikhim ng iwala ang naghahalong halo ng mga emosyon. Hindi ko na mapigilan kaya nag tanong ako.
“Impossible iyon..Timothy..at ano ang ibig mong sabihin?”
Kinuha niya ang kamay ko at hinigpitan ang kapit doon.
“..I know..its hard..at hindi mo paniniwalaan.. Kasi hindi ako si Timmy..” Nabasag ang boses niya.
Ito ba ang resulta ng pang iistalk ko sakanya? Bakit kung kailan dumating yung oras na umaamin na siya ng nararamdaman niya..

ay huli na.. mas lalo lang akong naguguilty..Hindi ko na alam kung saan patungo ang usapang ito kaya nagsalita ako.
“..kung aamin din ba ako na gusto kita ay hahayaan mo ako..hahayaan mo ako kasi ito ang gusto ko..ang iwasan ka. Kasi habang tumatagal ang usapan..mas lalo lang akong naguguilty sa nangyari.”
Hindi ko masikmura na nasabi ko ito sakanya.
“Hindi mo iyon kasalanan.. I’m sorry.. for that.” 
No. Hindi mo Naiintindihan.. Gusto kong isatinig pero hindi ko magawa.
Lumunok ako at umambang mag salita ulit.
“..I’m sorry sa pang iistalk ko sayo..nakikita ko si Timmy sayo..”
Bumuntong hininga siya. At tumango may alam ba siya?
“I know..Jane told me about that.”
Halos mapamura ako ng marinig iyon. “..wag kang magalit sakanya..hindi daw niya magugustuhan kong palagi kang nahihirapan..”
Ano ang ibig sabihin nito?

“..aalis ako next week pa puntang America kasama si mommy.. Stay for good..” sabi niya at binitawan ang kamay kong kanina pa niyang hawak.
Gusto ko siya pero hindi sapat iyon tulad ng nararamdaman ko kay Timmy simula pa dati..
Marahil pwedeng maghilom ang bigat at sakit ng nararamdaman ko ngayon..
Pero hindi ko masasabing kahit na gusto ko siya ay kailangan kong ipagpa tuloy iyon..
Dahil ayaw ko…
Ayaw kong dumating ang panahon habang nag hihintay ako ng pag babalik niya..
Ay mawawala din siya sa akin..iyon ang mahirap..
Iyon ang mga iniisip ko..
Ang tumatakbo sa isip ko…
Kahit na nakakaramdam ako ng lungkot..
Kahit na nasasaktan ako…
Ngayon..

Tumango ako sakanya at nagsalita.
“Nag papasalamat ako kasi..Nakilala kita. May isang Timothy na dumayo dito sa lugar namin na naging kaibigan ko din..Thank you sa mommy at tita mo..sa binigay nilang alaala ni Timmy sa akin. Aalagaan ko ito..” Ngumiti ako sakanya.
Ngumiti din siya pabalik sa akin at di na muling nagsalita pa..
Maaaring..
Hindi ito ang una..o, ang huli..
May simula man..
May wakas man..
Palagi kong iisipin at ipagpapasalamat na…

Na minsan ma swerte ako kasi nakatagpo ako ng kaibigang tulad ni Timmy at Timothy…

Minsan kasi Kailangan mong mamili…
Sa dalawa….

Yung pagiging Selfish o ang Mag paraya ng nararamdaman…

Para sa ibang taong…

Una mong minahal…

Maraming hindi ka magugustuhan sa huli dahil sa pinili mo…

Minsan mas iisipin mo nalang na yung sariling kaligayahan ang dapat unahin kaysa ibang tao…

Sometimes you need to sacrifice. Kailangan mo din mag move on.. Kailangan mong matutunan na makalimot…

Baka sakaling kapag ipikit mo iyong mga mata…
Makakalimutan mo din iyon…

Kapag nagising kana….

Imposibleng…

Pwede nga kayo…

Impossible ding hindi….

At hayaan nalang ng tuluyan ang Puso mong siyang mamili at humusga nito…

               

                       -wakas-

My Stories (more on tagalog in Wattpad)

  1. First Completed story in General Fiction is; My Hot Tutor. (Book one)
  2. Second is an Horror story base in true story/love story Titled; Over Time.
  3. Third is an teen fiction a (one shot story) Titled; Crush Overload.


I have two story in General Fiction you may like to read also:

  1. Titled: Hiyas (still on going but I’ve posted 12 chapter) also;
  2. Titled: Paint in your heart (book two) chapter 1-11


If your your interested:

You can read here in free link site on Wattpad: https://https-m-wattpad-com.0.freebasics.com/?iorg_service_id_internal=334166283445263%3BAfoBfqMGasgqqydJ



Thank you very much and godbless 🙂