The Yellow Flower

​A.N: Bago niyo basahin ito ay may kunting mensahe lang ako. This is a true story, may binago lang na pangalan. At kunting dinagdag o sabihing pinaghalo.
I dedicated this to my favorite teacher way back 2004. At sa mga batang katutubo na nakasama ko dati sa bundok. Hindi ko na babanggitin kung saan. Inspired lang akong gawin ito dahil hindi mawala sa isipan ko ang nangyari dati. Hanggang ngayon ay nasa alaala ko pa rin. ❤
© April 20, 2017 @x1xYvi

——————————————————
The Yellow Flowers
NATATAKOT siya ng makarinig ng isang boses ng lalaki galing sa tunnels. Marami pa ring armado ang nasa bayan ng Patag. Ang bayan nila kung tawagin. At malapit lang iyon sa sapa at bundok.
Malayo ang City sa mga kabahayan at ang sentro niyon ay tanging habal-habal lamang ang puwedeng sakyan para makatungo sa bundok o makatawid sa tubig na mabato.
Ang tulay na nagsisilbing daanan ay hindi matatawiran basta-basta. Hangga’t maaari ay tatawid ka. Nakakatakot din ang mga litratong nagkalat sa mga seminteryo. Lakas loob ang panglaban nila sa matagong lugar. Hindi nga lang din niya matatawid ang rumaragasang tubig lalo pang mabilis tumaas ang tubig ng Patag at madaming nalulunod.
She jumped and walked. Inisa-isa niya ang bawat hinay ng lakad kahit madilim ang tunnel. The man’s shadow and his voice was creepy. Ang katawan niya’y nanginginig dahil sa nakakatakot na boses. Nanlalambot at nanlalamig ang buong katawan niya sa nakikita. Hindi niya maitago ang kaba sa kanyang dibdib.
Nagtatago siya sa kadahilanang marami ng namatay sa engkuwentro ng mga sundalo at mga armadong nagtatago sa bundok. Musmos pa lamang siya noon ng huli niyang marinig ang ganoong uri ng putukan.
They screamed and run, hanggang sa dumating ang tulong. Pero sa kadahilanang marami pa ring hindi umaalis sa lugar nila at sa takot na makuha ng iba ang mga lupaing pinaghirapan ay hindi sila umaalis sa lugar na iyon. They fight for their land, hanggang sa mawalan ng hininga.
Ang parents niya ang isa sa mga nasaksihan niyang nawalan ng malay noon habang pinagtatanggol ang kanilang lupain. Ang ama niya’y minsan na ding nabihag ngunit pinakawalan din sa isang kondisyong kinakatakutan nila ngunit pumanaw din. Namulat siya sa mga katutubong kasama. Ito na din ang nagsisilbing pamilya niya sa nakalipas na taon.
Hindi na niya minsan nakita ang kababata niyang si Gaspar. Kinuha ito ng mga armado matapos ang gulong nangyari noon. They teach him how to used a gun, sa isang liblib na lugar ng Mindanao. Hindi na niya muling nakita ang kababata simula noon. Ni wala siyang makuhang balita dito. She remembered the day how Gaspar rescue her to the strangers. Ang mga natatagong mukha ng mga armado. Mabuti na lang at hindi siya ginalaw o pinaslang. But Gaspar left her, isang usapan ang narinig niya noon…
Ang lahat ng mga kabataang lalaki ay isasama nila. Kapalit ng buhay ng ilan. Gustuhin man niyang umayaw ay hindi niya magawa. Iniligtas siya ng kababata. Iniligtas siya ng lalaking matagal na niyang hindi nakikita.
Her childhood friend. Her first love.
Hanggang sa isang araw ay nabalitaan niyang may gusto na namang manloob sa naturang lugar nila. Hindi niya inaasahan iyon. Nasa kalagitnaan siya ng pagguguhit at pagtuturo sa mga kabataan ng marinig nila ang ingay ng mga baril.
Iilang butil na din ang kumawala sa kanyang noo. Iilang kaba na din ang naramdaman niya dahil sa takot. Sinigurado niyang iligtas ang mga bata bago siya tumakbo. Pero hindi niya akalain na may lalaking armado na namang nagpaiwan at ito siya’t tumatakbo sa gubat ng Patag. Takot na takot siya. Na akala niya ay tapos na ang lagim at bangungot na iyon sa kanila noon. Na tapos na ang sakit na naranasan niya noon dahil sa nangyari.
Hindi niya inaasahang mauulit na naman iyon. Hindi niya inaasahang mauulit ang takot sa dibdib niya.
Ilang dekada din niyang iniwasang maranasan iyon ulit ngunit nandito na naman at hindi pa rin pala natatapos ang gulo. Hanggang sa wala na siyang matakbuhan. Palapit lang ng palapit sa kanya ang lalaking tanging mga mata lang ang nakikita niya sa dilim ng tunnel.
Sigurado siyang wala na ang putukan pero ang lalaking ito ay nakasunod pa rin sa kanya. Sigurado siyang isusunod na siya sa mga magulang niya at mga kasama nilang pinatay dati.
Nahindik siya sa isiping iyon. Alam na alam niyang wala na siyang matatakbuhan. Pero isa siyang matapang na pintor at guro. Kahit ilang dekada pa niyang iguguhit ang sinapit nila ay hindi pa rin matatapos ang sakit sa nakaraan.
Isa sa mga itinuturo niya sa mga estudyante niya ang sinapit nila noon. Nakapagtapos siya ng arts. At isa din siyang matapat na guro. Hindi niya isusuko ang isinumpa sa mga taong napagdaanan na nila ng mga kababayan niya.
“God please help me. Anong kailangan ng estranghero na ito sa akin. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa akin na masama. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling may masamang mangyari sa aming bayan.” even her soft voice cracked, sa sobrang takot na nararamdaman.
Hanggang sa huminto ang lalaki. Panay pa rin ang usal niya ng dasal. Ni lingon ay hindi na niya magawa pa dito. Natatakot man siya ay pinatatag pa rin niya ang kalooban para sa mga kasama. Hindi niya kayang pakinggan ang bilis ng kaba sa dibdib niya. Dumadagundong iyon na tila gustuhin nang lumabas sa puso niya. Natatakot siya sa isiping iyon.
She slowly turned her head. Ang liwanag ng sapa sa labas ang nakita niya ngunit wala na ang lalaki. Nanghahapong napaupo siya sa may kunting tubig na tunnel. Hindi na niya pinansin ang paninikip ng puso at dumagdag pa ang itim na tunnel. Dahan-dahan siyang lumabas mula sa pagkakaupo at nang makalabas na ay ang sinag ng araw ang tumama sa kanyang mga mata.
She scanned the forests. Sanay siya sa gubat dahil doon siya kumukuha ng lakas para magpinta. Nilinga niya ang buong paligid ngunit walang bakas ng masamang tao siyang nakikita.
Nanalangin na sana ay ligtas ang mga pamilyang hindi nadadamay lalo pa ang mga estudyanteng napamahal na sa kanya. Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang daang tulay kung saan iyon ang ginagamit ng ilan niyang kabayan para makatawid. Nasanay na siya sa pamumuhay ng mga kasama. Kahit mahirap ay hindi pa rin siya sumusuko.
Hindi niya kayang isuko ang ano mang meron sila. Hindi naman din siya matakaw sa pera. Bagkus kahit mahirap sila ay may kakayahan pa rin silang mamuhay. Iyon nga lang, hindi tahimik na tulad ng pamumuhay ng ibang mayayamang tao sa lungsod.
Kinakabahan man ay sinubukan niyang labanan iyon lalo pang papatawid siya. Nararamdaman niya ang hagupit ng bumuhos na ulan ng nasa kalagitnaan na siya ng tulay. Alam niyang isang buhos ng ulan ay aapaw na naman ang baha. Inihanda niya ang sarili doon. Inihanda niyang tangayin siya ng tubig sapang rumaragasa. Alam niyang darating kaya binilisan niya ang paglalakad.
Natalisod siya. At ang paghinga niya’y lumalalim ng maramdaman ang tubig sa ilalim ng di-kahoy na tulay. Ang mga paa niya ay nadadama na ang baha hanggang sa pati ang katawan niya ay natangay na din. Buong lakas siyang nagpatangay sa agos ng baha. Buong buhay niya ay ilang ulit na din itong nangyayari sa kanya. Bumibigat ang hiningang pinakawalan niya ng masabit ang suot niyang puting t-shirt sa kahoy.
“Help!” she screamed. Alam niyang walang makakatulong sa kanya. Alam niyang walang ni isa ang makakarinig sa kanya. Natatakot siyang kumawala at pinilit niyang kapain ang malapit na ugat ng punong kumawala sa sapa.
Napunit ang damit niya ng makaakyat na siya. Iyon naman na nawalan siya ng lakas. Itinulak niya ang kahoy na nasakyan. Nanlalaki ang mga mata niya sa nakikitang lubog na sa baha ang tulay ng Patag.
“Bangon.” a creepy voice of a man filled her ears. And her heart pumped in fast.
Inubo niya ang kunting tubig na nainom saka tumayo kahit hindi niya pa rin kaya. Alam na niyang may nakasunod sa kanya kanina lang sa tunnel pero ito siya at hindi pa rin nadala. Maingat siyang bumangon at itinaas ang dalawang kamay patalikod.
Alam na niyang ano mang oras ay babarilin siya ng mga armadong hindi niya kilala. Alam din niyang hindi siya magkakamali sa isiping kikitilin ang buhay niya. Natatakot man siya sa sandaling iyon pero kailangan niyang lakasan ang loob.
“Shoot me if you want. Wala ka din namang makukuha sa akin. Simpleng tao lang akong nabubuhay dito—”
Isang mura ang pinakawalan ng estranghero sa kanya. Hindi niya akalain na lumakas pa lalo ang kabang nararamdaman. At alam niyang sa mga oras na iyon ay susunod na siya sa mga magulang.
“Malakas ang loob mo. Humarap ka at magsabi ng totoo—”
She cut the strangers off. “Sinabi ko na sayong wala kang makukuhang impormasyon sa akin. Kahit patayin mo pa ako ngayon. Inubos niyo na ang ilang lupain ng aking kababayan. Marami na din ang namatay ng dahil sa inyo. Marami na din ang nadamay na mga inosente. Bakit hindi na lang kayo sumuko sa batas?”
Napatili siya sa isang putok ng baril. Pinakiramdaman niya ang sarili kung siya ba iyon. Ngunit ni sakit sa katawan ay wala siyang maramdaman. Alam na niya ang ganoong uri ng tao. Sinusubukan ka hanggang sa umamin.
“Inosente kaming tahimik na naninirahan sa bundok na ito.” dagdag niya sa sinabi.
Itinulak siya ng lalaki sa puno. “Papatayin kita kung hindi mo sasabihin sa akin na may mga gobyerno kayong kasabwat at nagsusumbong kung saan ang campo namin—”
Pumiglas siya sa higpit ng lalaking humahawak sa kanyang dalawang balikat. “Sige, isunod mo na rin ako sa mga magulang ko. Tutal wala naman din akong silbi pa. At kahit patayin mo pa ako ngayon, wala ka pa ring makukuhang impormasyon—”
Idiniin siya nito sa punuan. Ang mga mata ng lalaki sa likod niya’y nagdidilim dulot ng inis sa babaeng wala din namang silbi. Isang mura ang kumawala sa bibig nito bago siya tuluyang iniwan.
“Sandali!” pigil niya sa kanang braso ng estranghero.
Napatingin siya doon at ang galit ay kanyang naramdaman na naman. Binawi niya ang kamay at mabilis na hakbang niyang nilisan ang lugar na iyon.
TUMIGIL na ang ulan ngunit nasa kagubatan pa rin si Sahara. Ang lalaking iyon na kanyang pinigilan ay bigla na lang din siyang iniwan. Hindi niya matukoy kung anong klaseng lalaking gagawa na manakot lang sa kanya para umamin. At dapat ba niyang ipagpasalamat na hindi siya binawian agad ng buhay? Dapat ba niyang ipag-alala at ipagbunyi iyon gayong alam din niyang hindi pa doon nagtatapos ang takot na nararamdaman niya, nilang lahat.
Bumuntong-hininga siya kapagkuwan ang sapa’y binalingan niya. Kinapa niya ang dibdib na kanina lang ay panay pa rin ang tibok niyon. Pero bigla na lang nawala. Marahil ay wala na ang mga armadong iyon. Sa loob-loob niya.
Gusto niyang tiyakin na tama nga siya. Na tama siya sa kanyang hula. Ayaw niyang matakot pero ramdam pa rin niya kahit wala na ang kaba sa dibdib. Mabilis ang hakbang na nilisan din niya ang gubat na iyon. Nanalangin siya na sana nga ay wala na ang mga armado sa kanilang lugar. Dahil alam niyang matatakot ang mga kasamahan niya. Na itinuring na niyang pamilya.
ISANG pulong ang nakita niyang pinagkakaguluhan ng mga nandoon. Ang yabag ng mga paa niya ang nagpahinto sa kanila. Bumaling naman din ang lahat sa kanya ng makita siya. Lukot ang mukha ng ilan at ang mukha ng iba ay nag-aalala ng lapitan siya.
“Sahara, buti dumating ka na. Ang sabi may armado daw na lumapit sayo at sa ibang kasamahan natin. Mabuti at nakapagtago kami.” ani Leiden na matandang kasamahan nila. Na isa ding retirong guro sa bayan nila.
“Nasa gubat nakita ako ng isa sa mga kasamahan nila. Nagtatanong ng mga impormasyon tungkol sa pakikipagsabwatan ng ilan nating kabayan sa gobyerno. Bakit kailangan pa nating gawin iyon? Hayaan niyo silang gawin kung ano ang tungkulan nila. Huwag niyong ilagay sa panganib ang buhay ninyo tulad ng nangyari sa pamilya ko at ng ilan.
Tulad ninyo ay may mga mararangal tayong ipinaglalaban sa bayan. Dito sa lugar natin pero bakit dinadaanan natin sa rahas? Hayaan niyo silang masupil ang gulo ng bansa. Ang mga tagong bundok na iyan kung diyan sila namumugad ay alam kong wala na sila ngayon at nagbago na naman ng direksyong kuta. Pasasaan kung hindi tayo mangingialam ay hindi na tayo babalikan ng mga iyan. Ayaw kong madamay tayo dito at gawing bitag para sumuko ang batas sa mga kamay nila. Sana po makatulong ang sinabi ko sa inyo. Isa akong guro na gusto ko lamang ng katahimikan sa lugar natin. Samot-sari na ang ulat na nagaganap at pag-nagkataon ay giyera na naman ang labas nito pagkatapos. Ayaw ko ng maulit ang dati. Hindi ko din kayang isuko ang lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang. Ang pinaglalaban ninyo ay pinaglalaban ko din.
Mabuti at hindi ako suwail para magsumbong pero hindi ibig sabihin n’on ay ligtas na ako. Kung sino man sa inyo ang gagawa pa ng hindi maganda at sino ang lalabag kung maaari ay huwag na ninyong idamay ang iba. Naaawa ako sa mga batang walang muwang na nadadamay.
Bagong henerasyon nga tayo ngayon ngunit kahit saan tingnan ay ganoon pa rin ang ating bansa. Hindi matatahimik ang lugar natin kung hindi din tayo tatahimik at huwag mangialam. Yaman din naman ng bansa ang pinaglalaban ng iba tulad natin. Pero alam natin kung ano ang tama at mali. Kaya hayaan niyo na silang maresolba ito.”
Walang imik ang mga taong nandoon habang nakikinig sa kanya. Dati-rati ang ama niya at ina ang laging nangunguna kapag may pulong na nagaganap lalo pang tungkol sa giyera. Kaibahan niya sa mga magulang ay ang tamang ipinaglalaban at hindi nangingialam. Ayaw niyang may madamay pa. Ayaw niyang may inosenteng bawian na naman ng buhay dahil sa isang salitang lumalabas sa bibig na kung maaaring alam mo ang nangyayari ay takpan mo na lamang ang iyong bibig.
Marami siyang natotonan lalo pang araw-araw naman ay iyon din ang itinuturo niya sa mga estudyante niya. Walang araw na hindi niya hinangad ang katahimikan sa Mindanao. Sa lugar na kinalakihan niya. Sa lugar kung saan hindi matigil-tigil ang gulo. Na kahit anong resolba ang gawin ng gobyerno at tulong sa mga inosente ay may nadadamay pa rin.
Araw-araw pipanalangin niyang wala ng madadamay sa gulo. Pero tila hindi naman din iyon ibinibigay. Alam niyang maraming dahilan pero hindi niya matukoy-tukoy.
Marahas ang buntong-hininga niya ng sumapit ang dilim at nang nasa bahay na siya’t nakauwi ay itinuon niya ang pansin sa pag-aaral. Kung ano na naman ang maaari niyang itulong sa mga mag-aaral niyang sinapit ang hindi magandang nangyari kani-kanina lang. At sigurado siyang marami na namang kabataan ang matatakot. Na sana hiling niyang hindi madamay ang pag-aaral nila.
Kalunos-lunos ang mga iniisip niya at alam niyang sobrang sakit isipin na hindi na makatarungan iyon. Ilang buhay na ang nawasak. Ilang buhay na ang nawalan ng pag-asa. Pighati at galit na namumuo. Pero siya kahit ramdam na niya iyon at dinanas noong musmos pa lamang siya. Itinatak niya sa isipan na hindi maganda ang pumatay ng kapwa kahit ano pa mang matinding rason iyon. Isa sa mga natotonan niyang matakot sa mga bagay na hindi tama at alam niyang mali tulad na lang ng ginawa ng ibang kabayaan niya.
Tinapos niya ang mga ginagawa at nanalangin muna bago tuluyang natulog. Nag-iisa lamang siya sa bahay niya. Ang bahay na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang noon. Malaki din ang naitulong ng pagtuturo niya para mabuhay siya at makapagsimula.
Ang pag-aani, pagtatanim ng mais at saging, copra, ipil-ipil at uling sa itaas ng bundok ay hindi niya iyon ikinakahiya. Hindi niya iyon ikinatatatakot sa kahit sino.
Alam niyang ano mang oras ay puwede siyang malagutan ng hininga pero matibay at malakas ang loob niyang gawin ang pagtatanim sa itaas ng bundok na alam din niyang may naninirahang mga armado.
Maaga siyang nagising kinabukasan, isang katok sa pintuan niya ang nagpagising sa kanya.
“Ma’am Sahara, gising na ho, ba kayo?” anang isang estudyante niyang si Lyn-Lyn. Kilala niya ang boses na iyon na agad naman siyang bumaba ng hagdan para makita ang estudyante niya.
She opened the door wide. Ang unang kislap na ngiti ang bumuhay sa kanyang pag-asa na hindi ito malungkot.
“Magandang araw, Lyn-Lyn. Papasok ka ba ngayon?”
Ngumingiting tumango ang batang babae sa kanya. “Opo Ma’am. Wala naman pong dahilan para hindi pumasok kahit na maraming hindi magandang nangyari kahapon. Salamat po sa inyo at sinigurado ninyong makakauwi kami ng maayos.”
Tumalungko siya’t pumantay sa bata. “Salamat naman kung ganoon.” ngiting balik niya dito. Kumislap ang mga mata niyang tinitigan ang mga bulaklak na dala nitong nasa kanang kamay. “Ano iyan ibibinta mo?” she asked and smiled.
Inilahad ng batang babae ang basket na may lamang puro dilaw na rosas na bulaklak. “Para po sa inyo, Ma’am. Bigay n’ong mamang pogi.”
Kumunot-noo siya kapagkuwan. Inilinga niya ang buong paligid. At ibinalik din ang tingin kay Lyn-Lyn. “Sino daw?” curiosity filled her heart and mind.
Umiling ang bata at nagkibit-balikat ito. “Wala pong pangalan na sinabi sa akin, Ma’am. Basta po mabait, matangkad at parang sandalo kung kumilos.”
Her heart beats fast. Buong buhay niya ay ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong kaba at kaakibat din niyon ang tindi ng kunti takot kung sino man ang nagbigay sa kanya ng mga bulaklak. Kinuha niya iyong basket sa kamay ni Lyn-Lyn.
“Salamat Lyn-Lyn. Sa susunod huwag ka ng lumapit sa hindi mo kilala, ah? Iyong turo ko sa inyo. Promise?” itinaas niya ang kanang kamay at ganoon din ang ginawa ng batang babae sa kanya.
“Promise po, Ma’am.”
Ngumiti siya. “Sige na at maligo ka na, kumain at mag-ayos. Huwag kalimutan ang magdasal, okay?”
Ngumingiting tumatango ang batang babae sa kanya. “Okay po, Teacher!”
Sinundan niya ang pagtakbo ng bata. Bumuntong-hininga siya at ang mga mata’y bumaba sa basket na hawak niya. It’s strange her. Kung sino ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak. At kung sino man iyon ay gusto niyang doblehin ang ingat na ginagawa sa sarili at baka sa susunod ay mapahamak lang siya.
– End –

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s